--Ads--

Ilalabas ni dating Senador Antonio Trillanes IV ngayong Biyernes, Oktubre 2, ang mga impormasyong nakatakda sana niyang ihayag bilang testigo sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Trillanes, hiniling niya kay House Lead Prosecutor Gerville “Jinky” Luistro na alisin ang kaniyang pangalan sa listahan ng mga testigo upang maibsan ang pressure na nararanasan umano ng prosecution panel.

Dahil hindi na siya magbibigay ng testimonya sa impeachment court, sinabi ni Trillanes na magsasagawa siya ng press conference upang ilahad ang mga bagay na sana ay kaniyang ihaharap sa paglilitis.

Samantala, sinabi ng private prosecutor na si Atty. Lorna Kapunan na malaya si Trillanes na ihayag ang kaniyang mga saloobin sa labas ng paglilitis. Aniya, hindi sakop ng sub judice rule ang dating senador dahil hindi na siya testigo sa impeachment proceedings.

--Ads--

Nauna nang inanunsyo ni Luistro sa Senate Impeachment Court na hindi na nila tatawagin si Trillanes bilang testigo para sa Article II ng Articles of Impeachment.