--Ads--

Nagbanta si Pangulong Donald Trump ng Estados Unidos na magsasagawa ng mas matinding pag-atake laban sa Iran sa Miyerkules ng gabi (oras sa US), ilang oras matapos niyang sabihin na sa tingin niya ay tapos na ang umiiral na tigil-putukan o ceasefire sa pagitan ng dalawang bansa.

Sa kanyang pagdalo sa NATO summit sa Turkey, sinabi ni trump na pinamumunuan ng masasama at “sick people” ang Iran. Aniya, kahit magpatuloy pa ang negosasyon sa pagitan ng magkabilang panig, wala na umano itong saysay.

Bilang tugon, sinabi ng isang opisyal ng Iran na ang mga pahayag ni Trump ay nagtutulak sa rehiyon tungo sa mas malawak na sigalot. Nagbabala rin ito na nakahanda ang mga kaalyadong armadong grupo ng Iran sa Gitnang Silangan na kumilos anumang oras.

Lalong tumindi ang tensyon matapos magpalitan ng mga pag-atake ang Estados Unidos at Iran. Ayon sa Amerika, mahigit 80 target sa Iran ang kanilang pinuntirya noong Martes ng gabi.

--Ads--

Samantala, sinabi naman ng Iran na kanilang tinatarget ang mga pasilidad militar ng Estados Unidos sa Bahrain at Kuwait bilang ganti sa mga isinagawang pag-atake.

Ang mga strike ng Amerika ay isinagawa matapos ang pag-atake sa tatlong oil tanker sa Strait of Hormuz, isa sa pinakamahalagang rutang dinaraanan ng langis sa buong mundo.