Inilipat nang pasikreto si United States President Donald Trump mula sa Air Force One patungo sa mas maliit na military aircraft habang nasa Turkey noong nakaraang buwan, matapos umanong makatanggap ng banta sa kanyang buhay.
Ayon kay Trump, mismong U.S. Secret Service ang nag-utos sa kanya na lumipat ng eroplano matapos ang NATO summit sa Ankara.
Sinakay umano si Trump sa isang catering truck kasama ang ilang malalapit na aide, kabilang sina White House Deputy Chief of Staff Dan Scavino, executive assistant Natalie Harp at Oval Office operations director Walt Nauta, upang hindi mahalata ang kanyang paglipat sa ibang eroplano.
Hindi naman isinama sa naturang paglipat ang mga Cabinet official.
Ayon kay Trump, posibleng mas mataas pa ang panganib sa bagong eroplano dahil maaari itong makaagaw ng atensyon, ngunit sinunod lamang niya ang security protocol.
Sinabi ni Trump na may natanggap umanong banta, bagama’t hindi na niya ito inusisa pa dahil madalas siyang makatanggap ng mga banta.
Hindi agad isinapubliko ng White House ang pagbabago sa flight at nanatili itong lihim hanggang sa iniulat ng Washington Post nitong Lunes.
Una nang sinakay si Trump sa isang bagong-renovate na eroplano na donasyon ng Qatar patungong Ankara para sa NATO summit, ngunit sa kanyang pag-alis sa Turkey ay gumamit siya ng mas lumang Air Force One.











