--Ads--

CAUAYAN CITY- Sugatan ang isang lalaki matapos sumalpok sa nasiraan na truck sa kahabaan ng national highway na sakop ng San Fermin Cauayan City, partikular sa Rizal Park.

Ang biktima ay ang tsuper ng Mutsubishi Strada pick-up na si Rhodel Bague, 30-anyos, na residente ng San Fermin Cauayan City.

Habang ang tsuper naman ng Isuzu Forward Truck ay kinilalang si Conrado Iñigo, 41-anyos, residente naman ng Delfin Albano, Isabela na magbebenta sana ng mais sa Alicia, Isabela.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na habang nakaparada ang truck na patungo sanang Alicia Isabela , ay bumangga ang pick up sa likurang bahagi nito.

--Ads--

May mga early warning device naman na nakalagay sa likod at harap ng truck subalit hindi na ito napansin ng pick-up.

Sa ngayon ay dinala na sa pagamutan ang tsuper ng pick-up habang ang sakay naman ng truck ay ma swerteng hindi nasugatan.

Hinihintay naman ng pulisya ang magiging pag-uusap ng dalawang panig.