--Ads--

Matagumpay na isinagawa ng mga kinatawan mula sa mga kalahok na yunit sa US LSA-South, La Paz Sand Dunes, Ilocos Norte noong 29 Abril 2026.


Layunin ng aktibidad na tiyakin ang maayos na koordinasyon, masuri ang mga planong operasyon, at mapalakas ang iisang pag-unawa sa mga direktiba ng mga kalahok na yunit bilang bahagi ng Balikatan Exercise 2026. Sa pamamagitan ng komprehensibong briefing, napalakas ang pagtutulungan at naayos ang mga mahahalagang aspeto ng operasyon bago ang aktuwal na pagsasagawa.


Ipinapakita ng aktibidad ang kahalagahan ng kahandaan, pagtutulungan, at malinaw na komunikasyon upang matiyak ang maayos at epektibong operasyon.


Dinaluhan at sinuportahan ang aktibidad nina BGEN Rhenante Martin Salvador PA, Commander, 503rd Combined Arms Infantry “Peace & Justice” Brigade, at COL Daniel Von Benken, Commander ng 25th Infantry Division Artillery, kasama ang iba pang opisyal at staff ng mga yunit.

--Ads--