Nagbabala ang Estados Unidos ng posibleng mas mabigat na sanctions laban sa mga bansang hindi puputol ng ugnayang pang-ekonomiya sa Iran.
Ayon kay US Treasury Secretary Scott Bessent, maaari ring mapatalsik sa US financial system ang mga grupong tumutulong umano sa Iran sa money laundering.
Samantala, sinabi ni Iranian Finance Minister Ali Madanizadeh na “fully prepared” ang Tehran na harapin ang sanctions, habang binabalewala naman ng kanilang chief negotiator na si Mohammad Bagher Ghalibaf ang banta ng Washington.
Kasabay nito, patuloy na humihina ang Iranian currency laban sa US dollar, na umabot na sa record low, habang iginiit ni US President Donald Trump na “collapsing” na ang ekonomiya ng Iran.
Sa gitna ng tensyon, nakipagpulong naman ang Pakistani army chief sa mga opisyal ng Iran sa Tehran, habang nakatakda ring bumisita ang foreign minister ng Oman sa Iran para sa usapin ng Strait of Hormuz.









