--Ads--

CAUAYAN CITY- Nirerespeto ni United States President Joe Biden ang legal system ng Amerika at hindi umano nito ipagtatanggol ang kaniyang anak kahit pa may kapangyarihan siya na gawin ito.

Ito ay matapos mahatulan ang anak nito na si Hunter Biden ng guilty sa taltong federal felony gun charges.

Inihayag ni Bombo International News Correspondent Jon Melegrito na nakikisimpatsiya ang maraming Amerikano sa nangyari dahil ‘very tragic’ umano ito para sa pamilya ng presidente.

Maari naman umanong hindi mabilanggo si Hunter Biden dahil wala siyang criminal records ngunit sasailalim pa din siya sa probation.

--Ads--

Malaki naman ang posibilidad na gagamitin ang isyung ito sa Presidential Election pangunahin na ang kampo ng katunggali nito na si Donald Trump.

Dito aniya makikita ng mga tao ang pagkakaiba ng pagtanggap ng verdict at pagrespeto sa jury system nina Biden at Trump.

Gayunpaman ay makakasama pa din ito kay Pres. Biden dahil maaaring gatungan ng mga supporters ni Trump ang isyu para pasamain si Biden.

Patunay naman ito na patas ang legal system sa Amerika dahil kahit sinong may mataas na katungkulan ay maaaring ma-convict kapag napatunayang nagkasala.