--Ads--

Nakatakdang bumisita sa Japan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa darating na buwan ng Mayo, ayon sa Malacañang.

Ayon sa anunsyo, isasagawa ang apat na araw na pagbisita mula Mayo 26 hanggang 29. Makakasama niya ang First Lady na si Liza Araneta-Marcos sa nasabing biyahe na imbitasyon ng pamahalaan ng Japan.

Sa kanyang pagbisita, magsasagawa si Pangulong Marcos ng summit meeting kay Japanese Prime Minister Sanae Takaichi.

Inaasahang tatalakayin ng dalawang lider ang pagpapalakas ng matibay na ugnayan sa pagitan ng Japan at Pilipinas. Kasama rin sa agenda ng Pangulo ang pakikipagpulong sa mga negosyante sa Japan at sa Filipino community roon.

--Ads--

Ang huling Pangulo ng Pilipinas na bumisita sa Japan ay si Benigno Aquino III noong Hunyo 2015.