Sugatan sa pamamaril ang vice mayoral candidate sa Maguindanao del Sur mula sa hindi pa tukoy na suspek umaga ng Lunes, Pebrero 24, ayon sa United Bangsamoro Justice Party (UBJP).
Binaril ang abogadong si Mohammad Omar Samama, incumbent vice mayor ng Datu Piang, at anak nitong si Datu Piang Mayor Victor Samama, sa Barangay Magaslong, na ilang kilometro lamang ang layo mula sa sentro ng bayan.
Nagbabahagi ng kaniyang talumpati si Vice Mayor Mohammad Omar Samama ng maganap ang pamamaril.
Nangyari ito kasabay ng aktibidad kung saan sila namamahagi ng ayuda, pasado alas-10:00 kaninang umaga, Pebrero 24, 2025 sa Barangay Magaslong.
Iniulat ng pulisya na si Samama ay nagtamo ng tama ng bala ng baril at sumasailalim sa gamutan.
Tumatakbo ang mag-ama sa politika sa ilalim ng UBJP, isang political party ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang mga otoridad hinggil sa naturang pangyayari.