--Ads--

Mapapalaban agad si Alex Eala sa opening round ng French Open na magsisimula sa Linggo sa Paris, France.

Batay sa inilabas na draw ng organizers, makakaharap niya ang kaibigan at 17th seed na si Iva Jovic ng Estados Unidos.

Mabigat ang magiging laban ni Eala dahil posibleng makasagupa niya ang ilan sa mga bigating pangalan sa tennis kung magtuloy-tuloy siya sa torneo. Sa ikalawang round, maaaring makalaban niya si Emma Navarro ng Amerika.

Nasa parehong bracket din ang mga kilalang Grand Slam champions tulad nina Naomi Osaka, Aryna Sabalenka, Coco Gauff, Elena Rybakina, at Jessica Pegula na posibleng makaharap niya sa mga susunod na yugto.

--Ads--

Ito ang unang beses na magtatagpo sina Eala at Jovic sa singles. Gayunman, magkasama na silang naglaro sa doubles sa dalawang nakaraang torneo ngayong season.

Noong Enero sa ASB Classic sa Auckland, umabot sila sa semifinals bago natalo sa Chinese pair na sina Xu Yifan at Yang Zhaoxuan. Muling nagsama ang dalawa sa Indian Wells noong Marso ngunit naagapan agad sa unang round.

Si Jovic ay isa rin sa itinuturing na malapit na kaibigan ni Eala sa WTA Tour.