Isang bote ng alak mula 1945 ang naging pinakamahal na bote ng wine na naibenta sa auction, matapos maibenta sa halagang $812,500.
Ayon sa auction house na Acker, ang 750 ml na bote ng 1945 Domaine de la Romanée-Conti, na nagmula sa personal wine cellar ni Robert Drouhin, ay naibenta sa record-breaking price sa kanilang La Paulée auction nitong nakaraang Linggo.
Ang dating pinakamahal na bote ng alak sa auction ay naitala noong 2018 sa halagang $558,000.
Ang 1945 Romanée-Conti ay huling vintage bago muling itinanim ang pinakamatandang ubasan ng Domaine de la Romanée-Conti, na nakaligtas sa phylloxera, dalawang digmaang pandaigdig, at halos isang siglo ng kasaysayan sa Burgundy.
Ayon sa Acker, sulit ang presyo ng bote, at itinuturing itong isa sa pinakamasarap na alak na natikman ng mga eksperto sa wine industry.





