--Ads--

CAUAYAN CITY – Itinuturing ng Schools Division Office (SDO) Isabela na naging matagumpay ang virtual ceremony and recognition ngayong taon sa kabila ng pandemya.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Dr. Madelyn Macalling, Schools Division Superintendent ng SDO Isabela na naging matagumpay ang mga virtual ceremony at virtual graduation sa mga magtatapos at completers gayundin ang mga Alternative Learning System (ALS) learners sa lalawigan.

Ayon sa kanya, kahit may pandemya ay nalampasan nila ang school year 2020-2021 na maayos dahil sa pagtutulungan ng lahat.

Sa pandemyang ito ay napatunayan na napakatatag ng mga Pilipino dahil kahit ano mang pagsubok ang dumarating kapag may pagtutulungan ay napagtatagumpayan.

--Ads--

Aniya, bilang ina ng SDO Isabela ay labis ang kanyang kagalakan dahil napatunayan muli na malaki ang naitutulong ng bayanihan.

Nagpasalamat siya sa lahat ng kanilang mga stakeholders dahil lagi silang nandiyan para maiparating sa mga magulang ang mga dapat nilang gawin.

Tinig ni Dr. Madelyn Macalling.