Nagpahayag ng pangamba si Vice President Sara Duterte para sa kanyang kaligtasan at ng kanyang mga anak, isang araw matapos magpalabas ng warrant of arrest ang Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 98 laban sa kanya kaugnay ng tatlong bilang ng grave threats.
Sa inilabas niyang pahayag nitong Sabado, Setyembre 5, sinabi ni Duterte na nakatanggap siya ng mga documented threats at harassment mula pa noong 2023.
Ayon sa bise presidente, nangangamba siya para sa kaligtasan ng kanyang mga anak at hindi niya nararamdamang ligtas ang mga ito kapag kasama niya.
Sinabi rin ni Duterte na umalis siya sa kinaroroonan ng kanyang mga anak upang pumunta sa korte, ngunit nagtungo pa rin umano roon ang mga pulis.
Dahil dito, ipinahayag niya ang kanyang pangamba na maaaring siya ay mapatay.
Samantala, naglabas ng warrant of arrest ang QC RTC Branch 98 laban kay Duterte kaugnay ng tatlong bilang ng grave threats. Nakatakda namang dumaan sa kaukulang legal na proseso ang kaso.











