--Ads--

Kinansela ni Vice President Sara Duterte ang nakatakda sana niyang personal na biyahe sa Japan mula Agosto 19 hanggang 24, isang araw matapos ilabas ng Malacañang ang travel authority para sa naturang pag-alis.

Ayon sa Bise Presidente, nababahala siya sa kaniyang seguridad matapos isapubliko ng Malacañang ang impormasyon hinggil sa kaniyang mga biyahe.

Una nang sinabi ng Office of the President na inilabas nito noong Agosto 17 ang travel authority ni Duterte para sa personal na biyahe sa Japan at walang gagastusing pondo ng pamahalaan.

Gayunman, nitong Agosto 18 ay hiniling ng Office of the Vice President sa Malacañang na kanselahin ang travel authority matapos magbago ang plano ng Bise Presidente.

--Ads--

Hindi na nagbigay si Duterte ng karagdagang detalye hinggil sa dahilan ng pagkansela sa kaniyang biyahe.