--Ads--

Ibinahagi ni Vice President Sara Duterte ang naging usapan nila ng kanyang ina kaugnay ng posibilidad na tumakbo sa national elections ang kanyang kapatid na si Davao City Mayor Sebastian Baste Duterte.

Sa isang press conference nitong Martes, sinabi ni Duterte na hindi nila napag-usapan ni Mayor Baste ang pagtakbo nito bilang pangulo.

Ayon sa Bise Presidente, sinabi umano ng kanilang ina na umuwi siya sa Davao at si Baste na lamang ang patakbuhin sa national elections.

Aniya, nais ng kanyang ina na si Baste ang humarap sa national elections habang siya ay umuwi na lamang sa Davao.

--Ads--

Hindi naman nilinaw ni Duterte kung anong partikular na national position ang nais umanong patakbuhin kay Baste.