--Ads--

Tanging ang confidential funds ni Vice President Sara Duterte ang na-audit ng isang dating state auditor ng Commission on Audit–Intelligence and Confidential Funds Audit Office (COA-ICFAO), dahil wala umanong inilaan na confidential funds para sa mga naunang bise presidente.

Sa pagdinig ng Senate impeachment court nitong Lunes, sinabi ni dating state auditor Roderick Wamil na mula nang italaga siya sa COA-ICFAO noong 2014, si Duterte lamang ang naging sakop ng kanyang audit kaugnay ng confidential funds.

Ipinaliwanag ni Wamil na sina dating Vice President Jejomar Binay at dating Vice President Leni Robredo ay walang appropriations para sa confidential funds noong kanilang panunungkulan, kaya walang confidential funds na na-audit sa kanilang mga tanggapan.