--Ads--

Arestado ang isang 22-anyos na tricycle driver na wanted sa kasong Slight Physical Injuries sa isang Mall sa Barangay Villasis, Santiago City.

‎Ayon sa mga awtoridad, ang pag-aresto ay isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng City Mobile Force Company (CMFC), bilang lead unit, at Police Station 1.
‎
Itinago ang suspek sa alyas na “Jun,” isang binata at residente ng Purok 5, Osmeña Street, Barangay Villasis, Santiago City.
‎
‎Inaresto ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu noong Hunyo 8, 2026 para sa kasong Slight Physical Injuries.
‎
‎May inirekomendang piyansang nagkakahalaga ng ₱2,000.00 para sa pansamantalang kalayaan ng akusado.
‎
‎Matapos ang pag-aresto, ipinaalam sa suspek ang kanyang mga karapatan alinsunod sa Saligang Batas.
‎
‎Kasalukuyang nasa kustodiya ng Police Station 1 ang akusado para sa kaukulang dokumentasyon bago iharap sa hukuman na nagpalabas ng naturang warrant.