--Ads--

Bumaba ng 25% ang naitalang major crimes sa Santiago City nitong Hunyo, Hulyo at Agosto ngayong taon kumpara sa kaparehong panahon noong 2025.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt. Col. Arnel Lago Bautista, Chief ng Santiago City Police Station – Community Affairs and Development Unit, sinabi niyang 107 major committed crimes ang naitala sa lungsod sa loob ng tatlong buwan, mas mababa kumpara sa 140 kaso noong nakaraang taon.

Ayon kay PLt. Col. Bautista, iniuugnay niya ang pagbaba ng krimen sa patuloy na pagpapaigting ng police visibility, kabilang ang 24/7 checkpoints at regular na pagpapatrolya sa mga estratehikong lugar sa lungsod.

Aniya, bahagi ito ng kanilang programang Serbisyong Mabilis, Tapat, at Nararamdaman na naglalayong mapanatili ang seguridad at kaayusan sa buong Santiago City.

--Ads--

Patuloy naman ang panawagan ng pulisya sa publiko na makipagtulungan at agad na i-report ang anumang kahina-hinalang aktibidad upang makatulong sa pagpapanatili ng katahimikan at seguridad sa lungsod.