Naglalaro sa ₱9 hanggang ₱450 kada kilo ang wholesale price ng mga pangunahing gulay sa Nueva Vizcaya Agricultural Terminal o NVAT ngayong Setyembre 14.
Batay sa price update alas-7:20 ng umaga, pinakamababa ang presyo ng Bella squash na nasa ₱9 hanggang ₱10 kada kilo, habang pinakamataas naman ang kangsow white garlic na nasa ₱450 hanggang ₱460 kada bag.
Nasa ₱60 hanggang ₱70 kada kilo ang ampalaya-Bunito, ₱70 hanggang ₱80 ang ampalaya-long, ₱100 hanggang ₱110 ang green beans, at ₱90 hanggang ₱100 ang green cabbage.
Nasa ₱40 hanggang ₱45 kada kilo ang unwashed carrots, ₱60 hanggang ₱65 ang washed carrots, habang ₱70 hanggang ₱75 ang local red onion at potato.
Para naman sa mga prutas, nasa ₱55 hanggang ₱60 kada kilo ang calamansi, ₱70 hanggang ₱90 ang dragon fruit, at ₱50 hanggang ₱60 ang yellow lemon.
Paalala ng NVAT na ang mga presyong ito ay wholesale at reference lamang para sa farmers at disposers at maaari pang magbago depende sa suplay at demand ng mga produkto.
SOURCE: Nueva Vizcaya Agricultural Terminal Inc.











