--Ads--
Nagbabala ang World Bank na posibleng makaapekto sa kita ng mga pamilya at magdulot ng pagtaas sa presyo ng pagkain ang paghina ng ekonomiya ng Pilipinas sa unang quarter ng 2026.
Sa ulat ng World Bank, sinabi nitong bumagal sa 2.8 porsyento ang paglago ng gross domestic product o GDP dahil sa paghina ng sektor ng agrikultura, industriya at konstruksyon.
Ayon pa sa ulat, bumaba ang paggasta ng pamahalaan sa infrastructure projects habang humina rin ang produksyon ng pananim kabilang ang bigas.
Nagbabala rin ang World Bank na maaaring lumala ang epekto nito dahil sa tumataas na presyo ng enerhiya bunsod ng tensyon sa Middle East at mahinang demand sa ekonomiya.
--Ads--











