--Ads--

Pormal nang binuksan ngayong araw, Mayo 7, 2026, ang Philippine Woodmac 2026 sa Subic Bay Exhibition and Convention Center. Dinaluhan ito ng mga lider ng industriya, mga manufacturer, negosyante, at iba pang mahahalagang stakeholder mula sa sektor ng woodworking at furniture sa bansa at maging sa ibang bansa.

Kinatawan ng Lalawigan ng Isabela ang VGC Wooden Articles mula sa bayan ng Quirino, na nagpakita ng de-kalidad at sariling gawang produktong kahoy.

Ito ay sa tulong ng Pamahalaang Panlalawigan ng Isabela at ng Department of Trade and Industry (DTI) โ€“ Isabela.

Ang pakikilahok ng Isabela sa Woodmac 2026 ay patunay ng patuloy na pagsuporta ng lalawigan sa pagpapatibay ng lokal na industriya, pagbibigay-lakas sa mga MSMEs, at pagpapalaganap ng Isabeleรฑo craftsmanship sa lokal at pandaigdigang merkado.

--Ads--