--Ads--
Bumaba ang presyo ng mga school supplies ngayong taon dahil sa sapat na suplay sa merkado at mas mababang procurement costs ng mga negosyante, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).
Sinabi ni DTI Secretary Maria Cristina Roque na nakapagtala ng pagbaba sa presyo ng ilang school supplies, kung saan nasa pagitan ng P1 hanggang P8 ang ibinaba ng halaga ng ilang produkto.
Ayon sa ahensya, nakinabang ang mga lokal na sellers at vendors sa mas murang suplay, na nagbigay-daan upang makapagbaba sila ng presyo nang hindi naaapektuhan ang kanilang kita.
Inaasahan ng DTI na makatutulong ang mas abot-kayang school supplies sa mga pamilyang naghahanda para sa pagbubukas ng klase ngayong Hunyo.
--Ads--











