--Ads--

CAUAYAN CITY– Isang milyong piso ang iniaalok ni Ginang Delia Agonoy na pabuya sa sinumang mapagtuturo sa kinaroroonan ng kanyang anak na pulis na matagal nang nawawala.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Gng. Delia Agonoy na mag-iisang taon na sa buwan ng Hunyo subalit hindi nila matukoy kung saan dinala ang kanyang anak.

Anya hindi siya nawawalan ng pag-asa kayat nakikipag-ugnayan siya sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan upang mahanap ang kanyang anak.

Magugunitang si PSr. Master Sgt. Antonino Agonoy ay sinasabing huling nakita noong June 3, 2022, Intel-officer ng Cabatuan Police Station.

--Ads--

Inihayag pa ni Ginang Agonoy na kahit makita lang nila ang bangkay kanyang anak.

Anya ang P100,000.00 na unang kanilang inaalok na pabuya ay handa niyang gawing P1 million upang matagpuan kahit labi ng kanyang anak na pulis.