--Ads--

Sampu sa 18 na dati umanong miyembro ng Philippine Marines at tauhan ng kampo ni dating Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co ang lumagda na sa affidavit na inihanda ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ito ay matapos isailalim ang mga Marine sa hiwa-hiwalay na panayam ng NBI, ayon sa ulat nitong Miyerkules.

Bahagi ang naturang panayam sa patuloy na imbestigasyon ng NBI hinggil sa alegasyon na may mga maleta umano ng pera na inihatid sa ilang opisyal ng pamahalaan.

Ayon sa kanilang abogado na si Atty. Levi Baligod, nalagdaan na ang mga affidavit ng sampung indibidwal ngunit hindi pa ito napapanumpaan o naisasailalim sa oath.

--Ads--

Samantala, hinihintay pa ng kampo ng mga Marine na ipatawag ng NBI ang natitirang walong indibidwal upang makumpleto ang imbestigasyon.