--Ads--

Isang drowning incident ang naitala kahapon sa San Antonio, Delfin Albano, Isabela.

Batay sa inisyal na impormasyong nakuha ng Bombo Radyo Cauayan mula sa mga lokal na awtoridad, ang mga biktima ay pawang mga binatilyo na may edad 12 at 17 anyos.

Sa ulat, bandang alas-3 ng hapon nang magkayayaan umano ang mga biktima na maligo sa ilog. Pagsapit ng alas-5 ng hapon ay doon na naganap ang insidente.

Agad namang rumesponde ang mga awtoridad at nagsagawa ng search and retrieval operation matapos maiulat ang pagkawala ng dalawang binatilyo sa naturang ilog na pinangyarihan ng insidente.

--Ads--

Natagpuan ang isa sa mga biktima, isang 12-anyos na lalaki, kaninang alas-12 ng hatinggabi. Samantala, patuloy pa ring pinaghahanap ng mga awtoridad at rescue team ang 17-anyos na biktima.

Patuloy ang operasyon ng mga responder sa lugar habang iniimbestigahan pa ang eksaktong pangyayari at sanhi ng insidente bago ito naganap.

This is a developing story. Please refresh for updates.