--Ads--

Muling kinilala ang husay ng Bombo Radyo Philippines matapos makapasok sa finals ng 2026 KBP Golden Dove Awards ang 11 entries mula sa iba’t ibang istasyon ng Bombo Radyo at Star FM sa buong bansa.

Kabilang sa mga finalist ang Bombo Radyo Iloilo para sa Best AM Radio Station – Provincial, Star FM Manila para sa Best FM Radio Station – Metro Manila, at Star FM Bacolod para sa Best FM Radio Station – Provincial.

Pasok din sa Best Newscast – Metro Manila ang Bombo Network News, habang kapwa finalist sa Best Newscast – Provincial ang Bombo Radyo Cagayan De Oro at Bombo Radyo Iloilo.

Kasama rin sa finals ang Bombo Radyo Cebu para sa Best Special Program, Bombo Radyo Koronadal para sa Best Sports Program, Star FM Baguio para sa Best Public Service Announcement, at Bombo Radyo Roxas at Star FM Baguio para sa Best Radio Station Promotional Material.

--Ads--

May mga kategorya ring pagtatagpo ng mga istasyon ng Bombo Radyo at Star FM, kabilang ang Best Newscast – Provincial at Best Radio Station Promotional Material.

Isang pagkilala sa patuloy na pagsisikap ng Bombo Radyo at Star FM na maghatid ng mabilis, tama at makabuluhang impormasyon at serbisyo publiko sa mga Pilipino.