--Ads--

Nakapasok sa pitong kategorya ng 48th Catholic Mass Media Awards o CMMA 2026 ang Bombo Radyo Philippines, na may kabuuang 10 finalist entries mula sa iba’t ibang istasyon at programa nito.

Kabilang sa mga finalist ang Bombo Network News at Bombo News and Views: Morning Edition ng Bombo Radyo Cebu para sa Best News Program.

Pasok din sa Best Educational Program ang Good Morning Philippines ng Bombo Radyo Iloilo at It’s All For You in the Morning ng Star FM Dagupan.

Sa Best Counseling Program naman, kapwa finalist ang Ang Pamilya Karon ng Bombo Radyo Bacolod at Kahapon Lamang Program ng Bombo Radyo Vigan.

--Ads--

Kasama rin sa listahan ang Sarming Ti Biag ng Bombo Radyo Vigan para sa Best Drama Program, Coffee for Peace ng Bombo Radyo Philippines para sa Best Business News, It’s All For You in the Morning ng Star FM Bacolod para sa Best Entertainment Program, at Virgin’s Well of Manaog: Where Faith Finds Healing ng Bombo Radyo Dagupan para sa Best News Feature.

Kapansin-pansin din na may ilang kategoryang pinaglalabanan ng mga finalist mula sa Bombo Radyo at Star FM, kabilang ang Best News Program, Best Educational Program at Best Counseling Program.