--Ads--

Natanggap na ng tatlong grand draw winners ng Swerte sa Palengke Promo 2026 ang kanilang mga papremyo.

Kabilang dito si Ginang Bonifacia Laurente ng San Isidro, Santiago City, na nagwagi ng P10,000 gamit ang proof of purchase ng Efficascent Oil.

Ayon kay Ginang Laurente, gagamitin niya ang kanyang napanalunan sa paghahanda para sa kanyang kaarawan at iba pang pangangailangan sa bahay.

Unang beses man niyang manalo sa promo ng Bombo Radyo Philippines, sinabi niyang hindi siya nawalan ng pag-asa at patuloy na sumali kahit ilang beses nang hindi pinalad.

--Ads--

Samantala, kabilang din sa mga grand draw winners si Ginoong Ronnel Lucas ng Baui, Angadanan, Isabela, na nag-uwi ng P15,000 gamit ang proof of purchase ng Gardenia.

Ayon kay Lucas, malaking tulong ang kanyang napanalunan para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan. Ito na ang ikalawang pagkakataon niyang manalo sa promo ng Bombo Radyo, ngunit unang beses naman sa grand draw.

Patuloy umano siyang sumali dahil sa kanyang tiwala at pag-asang manalo, lalo na’t regular siyang nakikinig sa Bombo Radyo. Plano rin niyang gamitin ang kalahati ng kanyang papremyo sa pagbili ng entries para sa susunod na promo na 1…2… Panalo.

Samantala, nagwagi naman ng P25,000 si Ginang Virginia Logares ng Sillawit, Cauayan City, na unang beses ding nanalo sa promo ng Bombo Radyo.

Gagamitin niya ang kanyang premyo sa mga pangangailangan sa bahay at maintenance para sa kanyang karamdaman. Maglalaan din siya ng bahagi nito para makasali sa susunod na promo.

Hinikayat naman ni Logares ang publiko na patuloy na tumangkilik at sumali sa mga papromo ng Bombo Radyo upang magkaroon din ng pagkakataong manalo.