--Ads--

CAUAYAN CITY – Umabot sa 41 na barangay mula sa 14 na bayan at lunsod sa region 2 ang naapektuhan ng bagyong Pepito.

Ang nasabing mga lugar ay mula sa mga lalawigan ng Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya at Quirino.

Umabot sa 434 na pamilya na binubuo ng 1,460 na indibidual ang naapektuhan ng bagyo.

Umabot sa 295 na pamilya na binubuo ng 935 ang lumikas sa mga evacuation centers dahil sa pagtaas ng tubig sa kanilang lugar ngunit nakabalik na sila sa kanilang mga bahay.

--Ads--

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Information Officer Vanessa Diana Nolasco ng Disaster Response Management Division ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) region 2, sinabi niya naghanda sila libu-libong family relief packs para sa mga residenteng kailangan ng tulong.

Ayon kay Nolasco, required  sa kanilang mga field office ang 20,000 na stock ng family relief packs para sa mga emergency situation.

Wala pa namang Local Government Units (LGUs) ang humiling ng mga relief packs kaugnay ng epekto ng bagyong Pepito.

Ang pahayag ni Information Officer Vanessa Diana Nolasco.