Muling nanguna ang Schools Division Office (SDO) Isabela sa pinakahuling medal tally ng nagpapatuloy na Cagayan Valley Regional Athletics Association (CAVRAA) Meet 2026 na ginaganap sa Lungsod ng Santiago.
Batay sa partial at unofficial medal tally hanggang 5:20 ng umaga nitong Huwebes, nakapagtala na ang Isabela ng kabuuang 230 medalya na binubuo ng 84 ginto, 67 pilak, at 79 tanso.
Pumangalawa ang Cagayan na may kabuuang 263 medalya—81 ginto, 83 pilak, at 99 tanso. Nasa ikatlong puwesto naman ang Santiago City na may 70 ginto, 68 pilak, at 54 tanso, o kabuuang 192 medalya.
Pang-apat ang Nueva Vizcaya na may 147 kabuuang medalya, sinundan ng Tuguegarao City na may 100 medalya. Nasa ikaanim na puwesto ang Cauayan City na may 84 medalya, kasunod ang Quirino na may 90 medalya, Ilagan City na may 63 medalya, at Batanes na may 17 medalya.











