--Ads--
Pinangangambahan ng mga residente sa Japan ang posibilidad ng pagkakaroon ng mega quake kasunod ng naitalang magnitude 7.7 na lindol sa hilagang bahagi ng naturang bansa.
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Myles Briones Beltran na inalarma ang buong Japan dahil sa posibilidad ng mas malakas pang lindol na maaaring tumama Japan.
Bagama’t medyo humupa na ang sitwasyon at bumaba na rin ang mga daluyong sa karagatan ay lifted na ang tsunami warning sa naturang lugar. Gayunman, ay pinalilikas pa rin ang nasa 176,000 na residente na malapit sa baybayin dahil sa posibilidad ng mga aftershocks.
Bagama’t walang napaulat na nasawi ay mayroon namang isang ginang ang napaulat na nasugatan.
--Ads--








