--Ads--
Hindi bababa sa 190 estudyante ang nasugatan sa serye ng mga protesta sa France, kabilang ang isang 15-anyos na naputulan ng kamay sa gitna ng komprontasyon.
Nangyari ang insidente sa lungsod ng Lens nitong Lunes, kung saan nagtamo rin ng malubhang sugat ang iba pang mga estudyante sa magkakasunod na protesta laban sa kakulangan ng pondo at mga problema sa sektor ng edukasyon.
Samantala, isang 14-anyos na estudyante ang nagtamo rin ng double jaw fracture matapos umanong tamaan ng tear gas grenade noong nakaraang linggo.
Ayon sa mga awtoridad, mahigit 5,000 katao na ang naaresto mula nang magsimula ang kilos-protesta, habang patuloy ang panawagan ng mga estudyante para sa mas maayos na kondisyon sa mga paaralan.
--Ads--











