--Ads--

Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng 1st Isabela Mobile Force Company (IMPFC) sa mga komunidad sa kanilang nasasakupan upang matiyak na hindi na muling lumakas paa ng presensya ng communist terrorist group o makakaliwang grupo sa lalawigan ng Isabela.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Francis Pattad, Acting Force Commander ng 1st IPMFC, sinabi niya na bumibisita sila sa mga malalayong lugar sa lalawigan upang matiyak na hindi na mahikayat pa ang mga ilang mga residente na umanib sa makakaliwang grupo.

Batay kasi sa kanilang monitoring ay mayroon pa ring ilang mga indibidwal ang hinihikayat na sumama sa communist terrorist group pangunahin na ang mga IP Communities na itinuturing na vulnerable sector.

Ayon kay PMaj. Pattad, nagsasagawa sila ng mga lectures na tinatawag nila na KTE o Knowing the Enemy at CATA o Community Anti-terrorism awareness na layuning mabigyan ng sapat na kaalaman ang ma residente hinggil sa usapin ng esnsurhensiya.

--Ads--

Maliban dito ay nagsasagawa rin sila ng feeding program, libreng gupit, medical and dental mission at ilan pang kahalintulad na komunidad bilang tulong na rin sa mga residente ng kanilang nasasakupan.

Pinaiigting din ng 1st IPMC ang pagtatalaga ng checkpoints sa mga strategic areas pangunahin na sa regional boundary sa bahagi ng Simimbaan, Roxas, Isabela kung saan malapit ang Paracelis, Mountain Province.