--Ads--

Nag-abiso ang Cauayan City Water District na makararanas ng dalawang araw na water interruption ang mga consessioners mula sa West Tabacal Region dahil sa isasagawang declogging ng ahensya matapos ang ilang reklamo ng hindi magandang kalidad ng tubig tuwing madaling araw.

Matatandaan na ibinahagi ng ilang residente sa Barangay Culalabat, Cauayan City ang nararanasan na maduming tubig kung saan nilinaw naman ng Water District na malabong makapag suplay sila ng maduming tubig dahil sa filter na kanilang ginagamit.

Samantala, upang maayos pa rin ang problema ng ilang mga consessioners, magpapatupad ng dalawang araw na paglilinis upang maayos ang bawat linya ng tubig sa nabanggit na lugar.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Manolito Supnet, Manager ng Cauayan City Water District, sinabi niya na nakatakda ang water interruption simula ngayong araw ng Huwebes (July 2) sa oras na alas-8 ng umaga hanggang sa araw ng Byernes, (July 3) kung saan inaasahan na ma restore sa oras na alas-11 ng gabi.

--Ads--

Kaugnay nito ay inaabisuhan naman ang mga consessioners na mainam kung mag-imbak na sila ng maraming tubig na magagamit sa loob ng dalawang araw dahil aasahan na dahil sa kanilang isasagawang compressor sa lahat ng linya ay makararanas ng low pressure o no water.

Nakikiusap naman sila sa publiko lalo na sa apektadong mga residente na unawain ang sitwasyon dahil ito ay upang mapaganda kalidad ng tubig.

Sakali man aniya na makaranas naman ang ibang lugar ng kahalintulad na problema, ipinapanawagan na ugaliing iparating agad sakanila ang impormasyon upang kanilang maaksyonan.

Ipinaliwanag din ni Engr. ang mga dahilan kung bakit nagiging malabo ang tubig, pangunahin ang mga road construction sa lungsod.