--Ads--

Dalawang tropical cyclone ang patuloy na mino-monitor ng PAGASA matapos lumabas ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Typhoon Obet nitong Lunes ng gabi.

Ayon sa PAGASA, alas-9:30 ng gabi, nasa labas na ng PAR ang Typhoon Obet at namataan sa layong 1,310 kilometro silangan-hilagang-silangan ng Extreme Northern Luzon.

Taglay nito ang maximum sustained winds na 155 kilometro kada oras at pagbugsong hanggang 190 kilometro kada oras. Kumikilos ito pahilagang-kanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras.Mga Southeast Asian at Pacific Islander

Samantala, patuloy ding mino-monitor sa labas ng PAR ang Tropical Storm Atsani at Tropical Depression Gaenari, na dating tinawag na bagyong Neneng.

--Ads--


Ang bagyong Atsani ay nasa layong 1,770 kilometro silangan ng Northern Luzon, na may lakas ng hanging 65 kilometro kada oras at pagbugsong hanggang 80 kilometro kada oras. Kumikilos ito pahilagang-silangan sa bilis na 10 kilometro kada oras.

Samantala, ang bagyong Gaenari (dating Neneng) ay nasa layong 665 kilometro hilagang-kanluran ng Itbayat, Batanes, taglay ang maximum sustained winds na 45 kilometro kada oras at pagbugsong hanggang 75 kilometro kada oras. Kumikilos ito pahilagang-kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.