--Ads--

Patay ang dalawang katao matapos na natabunan ng gumuhong lupa sa Tipo High TechPark sa Tipo Road SCTEX, Subic Bay Freeport Zone, Zambales.

Ayon sa mga otoridad , na mayroong kabuuang apat na katao ang biktima ng landslide.

Dalawa sa mga ito ang dinala sa pagamutan.

Ang mga nasawi ay isang Chinese national na isang empleyado ng kumpanya sa Subic Bay Freeport Zone habang ang isang biktimang nasawi ay isang Pinoy na driver ng dump truck.

--Ads--

Ang nasabing pagguho ng lupain ay dahil sa walang tigil na pag-ulan sa nasabing lugar.