--Ads--

Dalawa ang patay at ilang iba pa ang sugatan, kabilang ang tatlong pulis, matapos magpaputok ang isang gunman sa isang apartment building sa downtown Minneapolis, Minnesota, United States.

Ayon sa pulisya, patay na rin ang suspek. Rumesponde ang mga awtoridad sa ulat ng pamamaril dakong alas-4:30 ng hapon at natagpuan ang mga biktima ilang minuto matapos makapasok sa high-rise building.

Isang biktima ang nasawi sa lugar habang isa pa ang namatay sa ospital. Tatlong pulis din ang isinugod sa pagamutan, kabilang ang dalawang tinamaan ng bala. Stable naman ang kanilang kondisyon.

Hindi pa naman malinaw sa ngayon kung paano namatay ang gunman at wala pang natutukoy na motibo sa pamamaril.

--Ads--