--Ads--

Nasawi ang dalawang manggagawa matapos sumiklab ang sunog at magkaroon ng pagsabog sa isang lumang hydroelectric power plant sa southern Switzerland nitong Miyerkules.

Ayon sa pulisya, naganap ang insidente sa village ng Piotta, kung saan naapektuhan ng sunog ang dalawang lalaki na kalaunan ay namatay dahil sa tinamong mga injury.

Isa sa mga nasawi ay isang 55-anyos na Swiss national, habang patuloy pang inaalam ang pagkakakilanlan ng isa pang biktima.

Malawak din ang naging pinsala sa gusali dahil sa insidente.

--Ads--

Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi at eksaktong mga pangyayari na humantong sa insidente.

Ayon ulat, kasalukuyang nire-renovate ang lumang power plant bilang bahagi ng plano para sa muling pagsasaayos ng pasilidad.