--Ads--
Nasawi ang 20 katao, kabilang ang mga babae at bata, matapos gumuho ang isang anim na palapag na residential building sa Gaza City.
Ayon sa Palestinian Civil Defense, 14 na katao ang sugatan habang marami pa ang pinaniniwalaang na-trap sa loob ng gumuhong gusali.
Tinatayang nasa 100 Palestino naman ang maaaring nasa ilalim ng mga guho, habang nagpapatuloy ang search and rescue operations.
Ayon sa mga ulat, dati nang tinamaan ng missile ang gusali ngunit nanatili pa rin doon ang ilang residente.
--Ads--
Samantala, nagpaabot ng tulong ang Egypt, United Arab Emirates at Qatar para sa mga apektado ng insidente.








