Inaasahang magiging makulay at engrande ang opening ceremony ng 2026 Asian Games na gaganapin mamayang gabi sa Paoma Mizuho Park Athletic Stadium sa Nagoya, Japan.
Magsisimula ang programa alas-6 ng gabi, o alas-5 ng hapon sa Pilipinas, na lalahukan ng mahigit 15,000 atleta at opisyal mula sa higit 45 bansa.
Dumalo rin sa seremonya sina Emperor Naruhito at Empress Masako, kasama si Crown Prince Akishino.
May temang “Harmonic Heart Beat” ang edisyon ngayong taon, na tampok ang kultura at tradisyon ng Japan.
Mamartsa naman sa opening ceremony ang Team Philippines, na pangungunahan ng mga flag bearer na sina Olympic boxer Aira Villegas at weightlifting champion Albert Ian Delos Santos.
Suot ng delegasyon ang “Malaya,” isang modernong barong na dinisenyo ni fashion designer Francis Libiran.
Kabilang sa mga inaasahang maghatid ng medalya para sa Pilipinas sina Paris Olympics double gold medalist Carlos Yulo, Eldrew Yulo, Alex Eala, EJ Obiena, Eumir Marcial, Carlo Paalam, Nesthy Petecio at Villegas.
Binubuo ang Team Philippines ng 464 atleta na sasabak sa 39 na disiplina, na siyang pinakamalaking delegasyon ng bansa sa kasaysayan ng Asian Games.
Target ng pambansang koponan na malampasan ang apat na gintong, dalawang pilak at 12 tansong medalya na napanalunan ng Pilipinas noong 2023 Asian Games sa Hangzhou, China.
Umaasa naman si Philippine Olympic Committee President Bambol Tolentino na malalagpasan ito ng Team Philippines, at tinatayang aabot sa walong ginto ang maaaring maiuwi ng ba











