CAUAYAN CITY – Umabot sa 270 sentinel pigs ang ipinamahagi sa 12 bayan sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa DA Region 2, ipinamahagi ang 270 sentinel pigs sa 12 bayan sa lalawigan na wala ng kaso ng African Swine Fever (ASF).
Isinagawa ang distribusyon sa Artificial Breeding Center sa Brgy. Magsaysay na pinangunahan ng DA Nueva Vizcaya Experiment Station at nasa 135 maliliit na hog raisers ang nabigyan sa bayan ng Bagabag.
Bukod sa sentinel pigs ay nabigyan din sila ng tig-dalawang bag ng starter at finisher commercial mash.
Kabilang pa sa mga bayan na nabigyan ay ang Diadi, Aritao at Sta. Fe na may 30 biik at 90 bags ng feeds, sa Bagabag at Villaverde naman ay 14 na sentinnel pigs, habang sa Solano, Ambaguio at Kayapa ay 12 biik.
Sa Bayombong at Kasibu ay nasa 20 biik ang naibigay; 60 biik sa Quezon habang sa Dupax Del Norte ay 16 na biik.
Dalawang buwan ang mga biik na naimapahagi at tumitimbang ng 15-20 kilo ang bawat isa.
Ang mga LGUs ang magbibigay ng technical assistance at monitoring sa mga baboy upang matiyak na lumaki at maparami ang mga ito.
Layunin ng pamamahagi ng mga sentinnel pigs na mapataas ang hog production at gawing stable ang pork supply sa mga pampublikong pamilihan sa rehiyon.
Patuloy ang pagpapaalala ng DA sa mga magbababoy na mag-ingat at siguruhin ang kanilang Bio Security.









