--Ads--

Ilang katao ang nasugatan matapos umatake ang isang lalaking armado ng espada sa isang high school sa Fagersta, central Sweden nitong Biyernes. Isang indibidwal naman ang kalaunan ay dinala sa kustodiya ng mga awtoridad.

Naganap ang insidente sa Brinell High School dakong alas-2:06 ng hapon. Tinatayang nasa 450 estudyante na may edad 16 hanggang 20 ang nag-aaral dito.

Agad namang rumesponde ang mga pulis matapos makatanggap ng ulat tungkol sa insidente at mabiilis na naaresto ang suspek.

Naganap ang insidente isang taon matapos ang mass shooting sa isang paaralan sa Orebro, Sweden, kung saan 10 katao ang nasawi bago nagpakamatay ang gunman.

--Ads--