--Ads--

Nasawi ang isang 32-anyos na empleyado matapos bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang nakaparadang truck sa gilid ng kalsada sa Brgy. Raniag, Ramon, Isabela, bandang 9:40 kagabi, Hunyo 18.

Kinilala ang biktima sa pangalang “Jay,” residente ng Purok 2, Brgy. Raniag, Ramon, Isabela.

Sa ulat ng pulisya, nakaparada umano ang Isuzu truck sa gilid ng kalsada at naka-on ang hazard lights nang hindi ito napansin ng paparating na motorsiklo ng biktima. Dahil dito, malakas ang naging impact ng banggaan na nagresulta sa matinding pinsala sa katawan ng biktima.

Agad na isinugod sa pagamutan ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival ng mga doktor.

--Ads--

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente habang inaasahan ang posibleng pag-uusap ng mga kinauukulang partido kaugnay ng aksidente.