--Ads--

Nagulantang ang mga nakasaksi sa pagbagsak ng eroplano sa paliparan ng Aktau, Kazakhstan.

Isang Azerbaijan Airlines (AZAL) plane na nag-o-operate ng flight J2-8243 mula Baku patungong Grozny ang bumagsak via emergency landing.

Mayroong 67 sakay, kabilang ang 62 pasahero at limang crew members.

Ayon sa mga inisyal na ulat, ang pagbagsak ay dulot ng pagbangga sa mga ibon o bird strike.

--Ads--

Dahil sa makapal na fog sa Grozny airport, ang eroplano ay unang na-redirect sa Makhachkala at pagkatapos ay sa Aktau.

Sa oras ng emergency landing, hindi nakatanggap ng clearance ang crew upang lumapag sa Grozny.

Ang mga pasahero ay mula sa iba’t-ibang bansa: 37 mula sa Azerbaijan, 16 mula sa Russia, 6 mula sa Kazakhstan, at 3 mula sa Kyrgyzstan.

Nagpahayag ng pakikiramay ang airline company sa mga pamilya ng mga biktima at tiniyak na magbibigay ng lahat ng kinakailangang suporta.

Patuloy ang imbestigasyon sa tunay na sanhi ng pagbagsak.