--Ads--
Ipinag-utos ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr. ang mas pinaigting na intelligence monitoring at imbestigasyon upang matukoy ang mga pulis na umano’y protektor ng iligal na sugal at iba pang ilegal na aktibidad.
Kasunod ito ng pagkakaaresto ng isang pulis major na sangkot umano sa pagbibigay-proteksyon sa iligal na operasyon sa Negros Island.
Agad na tinanggal sa puwesto ang nasabing pulis at isinailalim sa restrictive custody habang nagpapatuloy ang imbestigasyon kaugnay ng umano’y gambling-related activities.
Ayon sa PNP chief, ang ganitong uri ng tauhan ay itinuturing na sumisira sa integridad at imahe ng organisasyon.
--Ads--











