--Ads--

Bumisita sina King Charles III at Queen Camilla sa White House kung saan sinalubong sila ni US Pres. Donald J. Trump at First Lady Melania Trump para pagsisimula ng kanilang makasaysayang state visit.

Nagbigay ng garantiya si Trump na magiging ligtas sa Estados Unidos sina King Charles at Queen Camilla, kasunod ng isang tangkang pag-atake sa kanya noong Sabado ng gabi. Ayon sa Buckingham Palace, ipinagpatuloy pa rin ang biyahe ng hari at reyna ayon sa plano, ngunit may ilang pagbabago sa mga aktibidad.

Dumating ang hari at reyna sa Joint Base Andrews sa Maryland bago sila mainit na sinalubong ng mag-asawang Trump sa White House. Ayon kay Russell Myers na nasa Washington DC para sa nasabing okasyon, binigyan ang hari at reyna ng mga bulaklak ng dalawang anak ng military family ng Britanya na nakatalaga sa Estados Unidos pagkababa nila ng eroplano.

Kalaunan, dadalo rin ang hari at reyna sa isang garden party na dadaluhan ng mga panauhing kumakatawan sa matagal nang ugnayan ng Estados Unidos at United Kingdom.

--Ads--