Nagpatupad ang pamahalaan ng 60-araw na price freeze o pansamantalang pagpigil sa pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa mga lugar na naapektuhan ng magnitude 7.8 na lindol sa Mindanao.
Layunin ng hakbang na mapanatiling abot-kaya ang presyo ng pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan habang nagpapatuloy ang relief at rehabilitation efforts sa mga komunidad na nasalanta.
Matatandaang ang malakas na lindol na tumama malapit sa Maasim, Sarangani noong Lunes ay nagdulot ng malawakang pinsala sa ilang bahagi ng Mindanao.
Ayon kay Trade Secretary Cristina Roque, araw-araw na mino-monitor ng mga regional office ng pamahalaan ang suplay at presyo ng mga pangunahing bilihin upang matiyak ang sapat na supply at maiwasan ang anumang pagtaas ng presyo.
Nakikipag-ugnayan din ang gobyerno sa mga supplier at distributor upang maiwasan ang kakulangan ng produkto, lalo na sa mga lugar na naapektuhan ng nasirang kalsada at imprastraktura.










