--Ads--

Patuloy ang rescue operation sa Laos para mailigtas ang pitong katao na halos isang linggo nang na-trap sa isang binahang kuweba sa Xaysomboun province matapos matabunan ng ulan at landslide ang entrada nito.

Ayon sa mga rescuer, kabilang ang mga biktima sa grupong naghahanap ng ginto at wildlife sa loob ng kuweba noong Miyerkules nang hindi na sila makalabas.

Kabilang sa tumutulong sa rescue mission ang ilang eksperto na naging bahagi ng matagumpay na Thai cave rescue noong 2018. Patuloy naman ang pagbomba ng tubig palabas ng kuweba habang hirap ang rescuers sa makikitid at maputik na lagusan.