--Ads--
Hindi bababa sa pitong katao ang nasawi at dose-dosenang iba pa ang nasugatan matapos ang panibagong palitan ng missile at drone attacks ng Russia at Ukraine.
Limang katao ang namatay sa Belgorod region ng Russia dahil sa drone strike ng Ukraine, habang dalawa naman ang nasawi sa Kharkiv, Ukraine matapos tamaan ng missile ng Russia ang isang residential building.
Patuloy na nananawagan ang Ukraine ng karagdagang Patriot air defense systems habang ipinagpatuloy ng magkabilang panig ang kanilang mga pag-atake.











