--Ads--

CAUAYAN CITY – Patay ang 70 anyos na bulag na lola habang nailigtas ang kanyang paralisadong mister matapos masunog ang kanilang bahay sa liblib na purok sa Nagbitin, Villaverde, Nueva Vizcaya.

Ang nasawi ay si Gng. Arsenia Bustamante habang kanyang asawa ay si Perfecto Bustamante, 70 anyos, kapwa residente sa barangay Nagbitin.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay FO3 Jocelyn Banglig, chief operation officer ng BFP sa bayan ng Villaverde, 80 percent nang sunog ang bahay nang makarating ang kanilang mga bumbero sa nasabing lugar.

Gawa   sa light materials ang bahay ng mag-asawa kaya mabilis na kumalat ang apoy.

--Ads--

Hinihinalang nagmula ang sunog sa gasera dahil ito lamang umano ang gamit ng mag-asawa.

Unang nailabas ng mga residente ang lolo dahil siya ang malapit sa pintuan at hindi nabalikan ang lola dahil bumagsak na ang kisame sa kanilang higaan

Ayon kay FO3 Banglig, ang mag-asawa lamang ang nakatira sa kanilang bahay dahil ang kanilang mga anak ay nasa Kalakhang Maynila.